Maleta (Gloc 9) ft. Julie Ann San Jose

Artist: Gloc 9 ft. Julie Ann San Jose
Words and Music: Gloc 9
Album:
Release: 2019
Tempo: 97
Key: G
Details: Maganda talaga hiphopan sa pinas ngayong taon. Matapos pumatok ang kanta ni Pricetagg na Kontrabida at ganon din ang Pauwi Nako, si Gloc 9 naman ang nag release ng single kasama si Julie Ann San Jose.

Para sa akin hindi ganon kadali ma hook sa kantang ito sa unang pakikinig hindi katulad sa ibang kanta ni Gloc 9, subalit meron paring tama ito sa tenga ng mga pinoy dahil sa malalalim na lyrics ni Gloc 9.

Tulad sa ibang mga rap na ibinahagi  ko dito, hindi ko na isinulat ang chord por chord ng verse dahil mas magiging mahirap para sa atin na sabayan ito. Madali lang ang dapat gawin, kunin lang timing ng kanta, tapos tugtugin ng paulit ulit ang chords na isinulat ko sa ibaba. Tuloy tuloy lang hanggan mag chorus. Dito dapat mong pakinggan ng ilang ulit ang kanta para sa tamang timing. Kung gitarista ka, alam mo o ramdam mo kung kelan ka mag papalit ng chords. Dapat mo lang tandaan kung anong chords ang susunod. Continue reading Maleta (Gloc 9) ft. Julie Ann San Jose

Norem (Gloc-9)

Artist: Gloc 9 ft Abaddon, Shanti Dope, Jkris
Words and Music: Gloc-9
Release: 2018
Tempo: 73 beats per minute
Key: F
Details: Kung napapansin ninyo nag popost narin kami ng mga rap dahil ito iyong para sa amin hindi masyadong na bibigyang halaga. Naiintidihan ko na bihira lang ang pagkakataon na tutugtugin ito sa isang acoustic guitar kaya naman kunti lang ang naghahanap ng chords at nag po-provide para dito.

Saka kahit anong uri ng musika pa yan, may chords pa rin yan. Kaya hindi namin lilimitahan ang aming ibabahagi sa kung anong genre ng kanta. Ang mas hindi binigyang halaga ayon ang pag tutuonan namin ng pansin. Iyong mga tipong wala pa sa UG.

At isa pa, hindi ito basta pangkaraniwang Rap, mula ito kay Gloc-9. Isa sa mga kanta nyang punong puno ng lamat lalu pa’t pangunahing issue ngayon sa lipunan ang gantong mga tagpo.

Sa kanta pinaka gusto ko ang part ni Abaddon. Maganda ang flow at mensahe. Pag dating naman kay Shanti Dope ang flow nya ay katulad parin sa mga nauna nyang kanta subalit mahusay din naman.  Continue reading Norem (Gloc-9)