Kontrabida (Pricetagg ft. CLR) Review

Kung nag hahanap ka ng mga bagong tugtugin mula sa Rap Genre, maliban sa O.C. Dawgs’ Pauwi Na Ako o sa mga kanta ni Shanti Dope, may bago akong irerecommenda sa inyo.

Kung taga masid ka na ng Fliptop o ang kamakailan na Sunugan marahil hindi na bago sa iyo ang rapper na si Pricetagg.

Mula sa kanya ang bagong tugtug na gusto ko sanang ibahagi sa inyo. Kasama si CLR (pronounce as SEELAR), astig ung bago nilang kanta na Kontrabida mula sa album na Barcode. Siguro hindi lang din ako ang nahumaling sa kanta matapos mapakinggan ito dahil na feature na rin ito sa Wish 107.5 Bus ay meron narin mahigit isang milyong views sa ngayon.

Tamang tama ang pag release nito ni Pricetagg dahil narin sa napapanahong nyang hype mula sa laban nila ni Makagago. Actually kaya ko lang din na discover ang kanta dahil dun kahit na na subaybayan ko rin ang career ni Pricetagg sa Fliptop, hindi ako aware na malupit din pala sya sa musika. Continue reading Kontrabida (Pricetagg ft. CLR) Review