Ano Ang Kahulugan Ng Nadarang?

Maraming nag tatanong nito dahil sa pag sikat ng kanta ni Shanti Dope na Nadarang. Isa itong malalim na salitang Filipino o Tagalog mula sa salitang ugat na darang na ang ibig sabihin ay pagpapatuyo gamit ng init ng apoy.

Sa salitang “nadarang” ito ay tumutukoy sa naganap na na kilos. Katulad ng mga salitang dadarang kung gaganapin palang at dinadarang kung kasalukuyang ginaganap.

Dahil nabanggit narin natin si Shanti Dope at ang kanyang kanta. Ano nga ba talaga ang kahulugan ng kanta na nais nyang ipabatid.

Andiyan ka na naman
Ba’t ‘di ko maiwasang tumingin sa’yong liwanag
Nadarang nanaman sa’yong apoy
Bakit ba laging hinahayaan

Eto ung nag sisilbing chorus ng kanta. Dito palang may clue na tayo tungkol sa apoy. Kilala si Shanti Dope bilang narrative na uri ng rapper o ung pag kukwento sa kung ano ang nangyayari sa kanta. Nalala ko una kong napakinggan ang gantong uri ng pag rarap kay Gloc9 dun sa kanta nyang “Isang Araw”. Aminado naman si Shanti Dope na nasa gabay sya ni Gloc kaya di na malayo na meron silang pag kakatulad.

Mabalik tayo sa kanta dito sinasabi ang isang storya tungkol sa hindi mapigilang pang sinta. Ang liwanag ay maihahalintulad sa kagandahan. Ang pag gamit nya ng salitang nadarang dito ay tumutukoy sa dalawang kahulugan – positibo at negatibo.

Andiyan ka na naman
Ba’t ‘di ko maiwasang tumingin sa’yong liwanag
Nadarang nanaman sa’yong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan

Natural na sa rap na ulitin ang chorus para ma-emphasize ang mensahe. At sa pag-ulit ng choru, dito sanasabi ng sumulat na handa sya sa negatibong kapalit ng kanyang desisyon.

May lakad ka ba mamaya?
Puwede ka ba makasama sa pag-gagala
Kung sakaling ‘di ka puwede
Sabagay, meron din akong ginagawa

Gaya nga nga sinabi nya sa chorus handa sya sa sakit na maaring mangyari pero hindi parin sya nawawalan ng pag asa para sa positibo. Nakuha nya pang yayain ito sa pag gagala pero kung hindi pde ay ayos lang din.

Siguro nga napapaisip ka
Ba’t ako nangangamusta
Ilang araw ka na naroon sa panaginip ko
Nag-aalala lang ako baka san ka mapunta

Dito mababatid natin magkakilala ang dalawa.  Parang magkaibigan. At sa pag kakaibigan na iyon ay mayroon pag alala sa kung ano mang tinatahak ng isa.

Pero mukhang ayos ka naman
Kahit hindi na kita abalahin pa
Ilang ama namin pa ba ang dapat
Para patago kang mag-alala sakin (uh)

Sa linyang ito aminado ang may akda na kahit wala sya ayos naman ang kaibigan nya. Pero umaasa parin sya na maramdaman nya ang parehas na pag aalalang ipinapaabot nya sa kaibigan.

Habang pinapantasya lamang nila
Ay maskara mo sa gabi At
Pitaka mo sa umaga
Dun ikaw sa likod ng colorete
Pag ‘di na ngangangahulugan
Sa salitang paraiso para sakin

Pag nagmahal tayo ng meron nang karelasyon, hinuhusgahan natin na ang pag ibig natin ay mas higit pa sa kung ano meron sila. Ganun din ang may akda na nababasa natin sa linya na ito.

Bakit kaya kayamanan ko padin kinikilala
Ang iyong pagtawa
Kahit na sa puso mo man ay
Hinandusay na natin ang kasya
Dati pa ‘ko pinagdamutan ng kapalaran

Kaya ‘di na bago sakin mawalan ng pag-asa
Ala una nanaman ng umaga
Tawagan mo na lang ulit ako
Kapag hindi na kayo magkasama

Eto iyong malaking katanungan sa gantong relasyon. Bakit sya pa, sobrang dami namang iba dyan. Ang sagot dahil umaasa tayo sa minsang kasinungalingan. Nandyan iyong alam mong wla namang pag asa pero sa maliit na bagay na pinang huhugutan mo ng rason para manitili, dun tayo nabubulag.

Sa kanta inamin nya na tumawag ang babae sa kanya at eto ung parang imbis na tuluyuan kang mawalan ng loob, dadayain mo na naman ang sarili mo na meron din akong halaga sa kanya dahil may koneksyon parin kami. Iyon pala sub kalang. Kaya sinabi ng kumanta na tumawag nalang pag wala na ung kasama nya.

May lakad ka ba mamaya
Sana madaanan mo ko pagkatapos
Sabihin mo ngayon ako’y makaka-asang
Dito ka dadalhin ng iyong sapatos

Sa salitang madaanan, aminado ang akda na tangap nya na sub lang sya. Madaanan kung titignan eto ung pag salit sa isang lugar na di intensyon puntahan. Halimbawa, pwede daanan mo ung aklat ko pag pumunta ka ng eskwelahan. Ung talagang pupuntahan eh ung paaralan, sub lang ung pag daan sa aklat.

Sa susunod na linya, dito nagiging demanding na ung may akda at nanghihingi na sya ng sagot kung oo o hindi at sa huling bahagi na sakanya parin pupunta ang kanyang kaibigan.

Kung ngayong gabi lang naman ay magiging dahilan
Ay handang handa parin naman ako mamaos
Makakaluwag ka man ay sa mas
Nakakaibang paraan kita tutulungan makaraos

Di ko alam kung ako lang o sadyang madumi ung isip ko sa kung ano ang inaalok nya sa. Sa kabilang parte, handa parin sya para sa babae kahit panandalian lang o kahit masaktan pa sya. Ang mamaos ay malaking kawalan para sa isang mangaawit. Subalit wala syang inisip kung ano mang ang mangyari o kahit panandalian lamang ang lahat.

Bakit ka nagparamdam
Siguro ‘di na kayo nilanggam
Bakit kaya ‘di niya alam
Ang iyong halaga kung gaano ka kalinamnam

Eto iyong masakit, ung nakaka move-on kana tapos magpaparamdam ung isa. Tapos mag iisip ka naman na pwede pa maging kayo kahit halata naman na rebound kalang.

Iwasan ko mang matakam ng di halata
Ang hirap nang magpabaya
Kapag tawag na ng laman ay nagbadya
Makipag langit lupa ng walang taya

So nag give-in parin sya. Wala syang nagawa para iwasan.

Pagkasama ka, bitbit sa bibig
Mga ingay na tayo lang dalawang nakadinig
Nakatawang umidlip sa kama
Pero ba’t wala ka na pagsapit ng umaga?

Pwede natin sabihin na happy ending to dahil naka score sya sa kaibigan nya. SPG mga nangyari dito. Ang masakit, gaya nga ng ine-expect nya na mangyari, hindi ito pang matagalan.

Ganyan ko naintidihan ang ibig ipahiwatig ni Shanti Dope sa kanta nya, kung may nais kayong idagdag o itama sa aking mga nasabi, bukas po ang comment section sa baba para dito.

Readers are here for:

  • nadarang meaning
  • ano ang nadarang
  • ano ibig sabihin ng nadarang
  • nadarang means
  • nadarang meaning tagalog
  • nadarang kahulugan
  • what is nadarang
  • nadarang means in filipino
  • nadarang means in tagalog
  • nadarang neaning

4 thoughts on “Ano Ang Kahulugan Ng Nadarang?”

  1. Para sa akin, ang sitwasyon ng lalaki ay isang nakaantabay na nagmamahal sa isang babae na may mahal ng iba, na ang babae ay masasabi din namang nagmamahal din sa kanya.

    Hindi “rebound” o tagasalo ang dapat na nagamit na salita dahil wala namang nabanggit na naghiwalay o maghihiwalay ang babae at kasintahan nya, kundi ang mas akmang salita ay “ikatlong partido” sa relasyon.

    Yan ang akong opinion, bagkos nagustuhan ko rin naman ang paggawa mo nitong akda.

    Salamat.

Leave a Reply