Pauwi Nako (O.C. Dawgs)

Artist: O.C. Dawgs / Exbattalion
Words and Music: O.C Dawgs
Release: 2018
Key: Gb
Details: Salamat sa Makagago vs Pricetagg na discover ko tong kanta na ito. Bandwagon nga kung bandwagon pero siguro kayo rin, bago nyo lang narinig itong kantang ito kahit na ang totoo nung 2018 pa ito na release ng O.C Dawgs (ganon din siguro ang Wish). Ano ang kinalaman ni Makagago? Ito ay matapos na idiss sa laban si Skusta Clee na may tulo, at napanood ko din ang video ni Zenaib patungkol kay Skusta Clee. Balik tayo sa kanta, maganda ang kanta ang mabilis kang mahuhumaling kahit na salit mo palang napakinggan. At tulad din sa mga kanta ng EX-B noon, nadala ni Skusta Clee ang buong kanta, bagay na bagay sa boses nya.

Actually madali lang tugtugin ang kanta gamit ang acoustic guitar dahil meron lang itong limang chords sa buong kanta. Medyo tricky nga lang ang mabilis na bagsak ng Db sa pag tapos ng bawat bar ganon pa man, habang pinakikingan mo ng ilang ulit, at dahil paulit ulit lang din naman ang chords sa buong kanta mabilis mo itong makakabisa. Isa pang challenging sa pag tugtug nito ay ang pagkakaron ng key sa Gb. Expect mo na nakakangalay ang pag tugtug dito. lalu pat ang buong kanta ay lagpas limang minuto. Ganon pa man practice lang ang kailangan. Hindi ko narin nilagyan ng chords ang mga verses dahil mas madali kung kakaibisaduhin ang takbo ng chords at makikita mo na ang lahat ay kusang babagsak sa beat ng kanta. Hindi mo na kailangan isipin kung ano ang chord sa specific na lyrics dahil susunod naman ang iyong kamay sa tugtug. Mas mabisa ito lalu na sa mga rap, ganto ko rin sinipara ang Nadarang dati. So tara.

Intro
Gb-Fm-Bbm-Abm-DB x2

Chorus

(Hey)
              Gb                                       Fm
Miss na kita baby hindi ko na kaya
                               Bbm                               Abm
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Db            Gb                                     Fm
Pangako na ‘di ka na maghihintay at (‘Di na)
                 Bbm                      Abm                      Db                Gb
Hindi ka na malulungkot malapit na ko baby pauwi nako
                        Fm
Ako’y pauwi na
                       Bbm
Baby pauwi nako
                                    Abm
Miss na miss na kita
Db                 Gb
Baby pauwi nako
                         Fm
Ako’y uuwi na
                   Bbm                    Abm                     Db                  Gb
Hindi ka na malulungkot malapit na ko baby pauwi nako

Verse 1

Ayaw kong makita sa mga mata mo na nalulungkot ka
Kaya gumawa na ako ng paraan upang mapawi ang kalungkutan kesa naman
Lage kang nagkakaganyan ayoko naman na ikaw ay masaktan
Ramdam ko ang pakiramdam ng nahihirapan kaya naman ayaw ko ng iparamdam sa’yo
Malapit na ako, konting oras na lang ay magsasama na tayo
Malapit na ako, dya-an sa tabi mo
Konting tiis na lang mahal mawawala na ang iyong lungkot
Sobrang saya na makakasama ka ng muli sa tagal nating hindi nagkita
Hinding hindi na’ko aalis sa tabi mo
Pangako hindi ka na mag-iisa pauwi na ko

*Repeat Chorus

Verse 2

Pauwi na ko pwede ba huwag ka na sa’kin magtampo (Tampo)
Dala dala ko na ang kailangan mo
Miss na kita ano bang kasalanan ko?
Gusto na kita makita (Kita)
Wag ka na sa’kin magalit (Galit)
Kase baka lalo kang pumangit (Pangit)
Pero kahit magalit ng magalit sa’yo pa rin ako uuwe hindi nila ako maaakit (Whoa!)
Bakit ba palagi kang masungit sa’kin? (Sa’kin)
Baka pwede pang ayusin natin? (Natin)
Mga pagtatalo natin minsan ay hindi nakakasawang unawain
Mahal kita alam mo yan, ‘di na ko maghahanap pa ng iba
Basta ito ang laging tandaan, ang pag-ibig ko ay para sayo lang
Pero bago ang lahat ako’y pauwi na (Uwi na) sandali lang
Huwag mo na kong pagalitan (Litan)
Dami kong namiss sayong mga kulitan nating dalawa na minsan tayo ay nagkapikunan (Kunan)
Mahirap pala ang malayo sa tulad mo isa yan sa natutunan ko
Kaya mga pagkukulang ko ay pupunan ko, ako na ulit ang unan mo

*Repeat Chorus

Verse 3

Papunta nako (Na’ko)
Pasensya ka na (Na!)
Kung napaghintay kita teka lang sorry papunta na ko (Woo!)
Naiinip ka na ba? (Ba!)
Teka lang malapit na ko (Bppp!)
May gusto ka bang ipasabay para mabili ko na dito
Para wala na sa’ting umabala (Bala!)
Sa oras natin gumambala (Bala!)
Tayo lang dalawa walang iba maglalakbay hanggang sa tala (Tala!)
Ang sasakyan lang ay kama (Kama) pati ikaw
Kase pag ikaw ang kapiling alam ko na ‘di ako maliligaw (Woo!)
Nasasabik na kong ikaw ay yakapin (Yakapin!) angkinin lahat ng akin (Akin!)
Walang segundong sasayangin yung tipong maya’t may among hahanapin
Ang aking lambing na sa iba ‘di mo pwedeng ihambing
‘Di ka na muling giginawin asahan mo yan sa aking pagdating

*Repeat Chorus

Verse 4

Medyo matagal na rin tayong hindi nagkita (Bebe)
Kaya ngayon alam mo ba na miss na miss na kita (Syempre)
At ‘di ka na dapat pang malungkot please ngumiti ka (Yeah)
Sayo ako ay nananabik na (Eh) baby ako’y pauwi na
‘Di mo na kailangan pa uli na mainip (Aye!) madadama mo na ulit ang mga halik (Aye!)
Mga yakapan na mahigpit na may kadikit na pag-ibig na wala nang makakahigit
Na na na
Talagang ‘di ko maipaliwanag napakasarap sa pakiramdam kase (Kase)
‘Di mo lang alam kung gano katagal na nag-abang para muli kang mahagkan
Kaya naman hindi na kita bibitawan kapag nahawakan na ulit kita
Alam mo ba na miss kita?
Kung natiis ka peace na atleast ‘di ka inalis sa isipan napakatamis ‘di ba?
Huwag kang mag-alala ako’y malapit na, huwag ka nang magalit pa
Parating na’ko hayaan mo akong makabawi pa kaya sana ay kumapit ka

*Repeat Chorus

Outro

Pauwi nako woah
‘Di ka na malulungkot yeah
Hindi ka na malulungkot malapit na ko baby

Pauwi nako

Download: Lyrics and Chords in PDF

Leave a Reply