Maleta (Gloc 9) ft. Julie Ann San Jose

Artist: Gloc 9 ft. Julie Ann San Jose
Words and Music: Gloc 9
Album:
Release: 2019
Tempo: 97
Key: G
Details: Maganda talaga hiphopan sa pinas ngayong taon. Matapos pumatok ang kanta ni Pricetagg na Kontrabida at ganon din ang Pauwi Nako, si Gloc 9 naman ang nag release ng single kasama si Julie Ann San Jose.

Para sa akin hindi ganon kadali ma hook sa kantang ito sa unang pakikinig hindi katulad sa ibang kanta ni Gloc 9, subalit meron paring tama ito sa tenga ng mga pinoy dahil sa malalalim na lyrics ni Gloc 9.

Tulad sa ibang mga rap na ibinahagi  ko dito, hindi ko na isinulat ang chord por chord ng verse dahil mas magiging mahirap para sa atin na sabayan ito. Madali lang ang dapat gawin, kunin lang timing ng kanta, tapos tugtugin ng paulit ulit ang chords na isinulat ko sa ibaba. Tuloy tuloy lang hanggan mag chorus. Dito dapat mong pakinggan ng ilang ulit ang kanta para sa tamang timing. Kung gitarista ka, alam mo o ramdam mo kung kelan ka mag papalit ng chords. Dapat mo lang tandaan kung anong chords ang susunod.

Hook
G                      Bm
Ayoko na sa’yo
                  Em                                    G
Dahil lahat nang sinabi mo’y hindi totoo
                            Bm
Ano ang plano mo?
                   Em                             G                    C
Kapag lahat ng binali ko’y sagad na sa buto
      G                           Bm
Pero nakapagtataka
      Em                                Bm
Bakit mahal pa rin kita?
             A                             G
O sadyang nakapagtataka
   A                                   Bm
Dahil mahal pa rin kita

Chorus
                            F#m              G
Lumapit kahit na malayo ka

(Ang lahat ay ginawa. Ano nga bang napala?
 A
Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
      Bm                                   G
Kahit kaya pa’y paalam na
                                                                            A
(Di ko makakaila kahit na sa kabila ng lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula)
       Bm              F#m                G
Lumapit kahit na malayo ka

(Ang lahat ay ginawa ano nga bang napala?
                        A
Dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
       Bm                                  G
Kahit kaya pa’y paalam na

(Di ko makakaila kahit na sa kabila)
             A                                     B#m
Malay mo’y magkita pang muli

Verse 1 (Bm-F#m-G-D)
Maleta sa pintuan na nakaabang
Damit at mga alaalang syang laman
Mabigat mang buhatin ay aking pasanpasan
Matagal na pinagisipan nang matuklasan
Ang katotohanang di matago Madami nang nagbago
Kahit malayo ay tanaw
Malinaw di malabo
Mahabang listahan ng mga di natupad na pangako
Parang gamogamo sa ganda mo nakakapaso
Nakakasilaw na parang ilaw ng jeep sa kalsada
Di man sigurado ang kita ay namamasada
Parang pagtingin mo sakin
Pwede ka bang kausapin
Di ko sukat akalain mangyayari to sa atin
Ang hirap mong hagilapin
Laging laman ng dalangin
Liham na sanay meron ka pang oras na basahin
Kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta
Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita

*Repeat Chorus

Verse 2 (Bm-F#m-G-D)
Bata pa nang makilala ka disiotso anyos
Niligawan kaya di muna ko nakatapos
Malayo mang pagitan pag naiwan humahangos
Mga paang nakagapos sa pawis naghihilamos
Pero naabutan mailap na hayop napaamo
Hawak kamay nilakaran ang lupa sa malalayo
Marami ang nagsabi na hindi raw mangyayari
Na ang isang katulad ko ay ituturing mong hari at iyong mundo
Lahat ng hirap ko’y napawi
Kahit magulo, ilawan ng mga kamay hinawi
Sa tagal ng pinagsamahan
Dalawampung taon ikaw ang nagpaalala sakin
Sino ako noon at ano ang meron nang aking mapuno ang balon
At mga bangin na ako pa lamang ang tumalon
Kaya kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta
Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita

*Repeat Hook
*Repeat Chorus

Download: Lyrics and Chords in PDF

Leave a Reply