Kontrabida (Pricetagg ft. CLR) Review

Kung nag hahanap ka ng mga bagong tugtugin mula sa Rap Genre, maliban sa O.C. Dawgs’ Pauwi Na Ako o sa mga kanta ni Shanti Dope, may bago akong irerecommenda sa inyo.

Kung taga masid ka na ng Fliptop o ang kamakailan na Sunugan marahil hindi na bago sa iyo ang rapper na si Pricetagg.

Mula sa kanya ang bagong tugtug na gusto ko sanang ibahagi sa inyo. Kasama si CLR (pronounce as SEELAR), astig ung bago nilang kanta na Kontrabida mula sa album na Barcode. Siguro hindi lang din ako ang nahumaling sa kanta matapos mapakinggan ito dahil na feature na rin ito sa Wish 107.5 Bus ay meron narin mahigit isang milyong views sa ngayon.

Tamang tama ang pag release nito ni Pricetagg dahil narin sa napapanahong nyang hype mula sa laban nila ni Makagago. Actually kaya ko lang din na discover ang kanta dahil dun kahit na na subaybayan ko rin ang career ni Pricetagg sa Fliptop, hindi ako aware na malupit din pala sya sa musika.

Balik tayo sa Kontrabida, bagay na bagay ang kantang ito sa kanyang imahe bilang rapper. Kung kilala mo si Pricetagg sa rap battle, meron syang pagka kontrabida na persona na kahit si Batas at Aklas na kilalang mga halimaw sa daragan sa nasabing liga ay hindi umubra kay Pricetagg. So kung role lang talaga ng pagiging kontrabida, para sa akin napagharian iyon ni Pricetagg.

Pagdating naman sa mensahe ng kanta, malinaw ito ay ang pagpapahayag na bida ay ang kontrabida. Isa itong reference na maaring sa pelikula na hindi laging bida (focus ng storya) ang mabuti gaya ng karaniwang nating napapanood. Sa mundo ng hip-hop, isa sa mga prinsipyo nito ang pagiging kakaiba sa ibang genre at bagaman bihira o kunti lang ang nakakagusto sa gantong genre, bilang rapper, ito parin ang gusto mo, ito parin ang focus ng musika mo. Kaya nga para sa ibang mga rapper, ang pag adapt o pag bago kung ano ba talaga ang elemento ng hip hop ay isang exploytasyon at hindi katangap-tangap maging ano man ang dahilan nito. Mariin nilang dini-discourage ang gantong paraan para lamang sumikat. Gusto nilang ma preserba kung ano ba talaga ang hip-hop hindi kung ano ang magugustuhan ng mga taga pakinig nila.

So masasabi natin na ang Rap o musika ng hip-hop para sa mga taong open minded o masasabing totong music lover kung saan maapreciate ang kung ano mang genre hindi lang sa lagi nilang napapakingan. Tulad ko na open sa lahat ng genre hindi lang sa rock at pop, nakikinig din ako ng rap o Christian songs, mas maininam na ibahagi natin sa iba ang mga bagong kanta/genre na hindi pa nila napakinggan tulad nito. Isa lang itong patunay na tayong mga Filipino ay may aking galing sa larangan ng musika, kailangan lang natin ito ibahagi sa iba para maapreciate ng karamihan at ikarangal kung gaano kaunlad ang galing natin sa musika.

Sa ibang pagpapakahulugan o para sa aking personal na view, pwede din natin bigyang kahulugan na ang tinutukoy na ang kontrabida (supporting character) na sya ang bida (main character) sa colab ng dalawa, Pricetagg at CLR. Syempre props parin kay Pricetagg, pero kung papakinggan natin ng mabuti ang kanta, masasabi natin mas umanggat ang character ng supporting artist, CLR. Ang ganda ng pagkakanta ni CLR dito bagay na bagay sa beat na syang mas lumitaw kesa sa Pricetagg na dapat sya ung magdala dahil sya ang main character, sya ang bida. Anyway para sa akin lang to dahil masyado lang ako na astigan sa boses ni CLR. Sobrang linis, tinataaman ng tama ang matataas na nota, at unique ang kanyang boses. Dahilan ito upang iresearch ko sya at mapag-alaman na marami na pala syang kanta dati, pero gaya nga ng sabi ko, malupit parin sa Pricetagg sa huli dahil nakilala ko lang si CLR dahil sa kanya.  (nakakapanghinayang bat ngayon lang.)

Overall, maganda ang beat at rhythm ng kanta,  nakulangan lang ako sa lyrics, na usually mas dominant ang rap pag datin dun. Mejo straightforward mga sulat ni Pricetagg o kahit naman sa rap battle ganon sya, na para sa akin mas  dapat pag tuunan pansin sa rap. Mas na-aamaze ako sa sulat kesa sa beat, pero kung music lang naman din ang usapan, hindi ko na kailangan ng lyrics para ma-appreciate ito. So sa huli, astig parin ang Kontrabida kaya nga ibinahagi ko ito sa iyo.

Leave a Reply